Lunes, Marso 30, 2015

BOOlean Algebra

Isa sa pinaka ayaw ko sa mundo ay ang Math. Hindi ko nga alam kung paano ako pumasa sa Trigo at Calculus ko nung high school ako eh. Kaya mahal na mahal ko yung mga prof ko nun kasi pinagtiyagaan nila ako para matuto. Hindi kasi ako sumusuko. Kailangang maintindihan ko yung mga tinuturo nila. Hahaha.

Alam naman nating lahat na hindi rin ako ganoon ka-alam pagdating sa IT1. Nung isang araw ko lang nalaman na ang CTRL+E ay center. I know.. I know.. Nakakatawa pero at least natututo ako. Hahaha.

EH TAPOS PPINAGSAMA ANG IT1 AT MATH. ANO BANG KASALANAN KO??? Hahaha. Intense ba nung bugso ng damdamin ko? Pero totoo. Nastress po ako. Nakakainis preo ano bang magagawa ko kundi ang pagaralan at intindihin ang mga bagay-bagay sa mundo.

Wish me luck, guys. Hayy..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento