Nung nakaraang
meeting namin sa
IT1, sinabi ni
Sir na
ipersonalize daw namin yung
blog namin. At ito na naman ako.
Cue in Symphony No. 5 by Beethoven(hinanap ko pa sa
Google yung titulo nan kasi nakalimutan ko yung
title. Ayoko namang
dundundunduuuunnn yung ilagay ko kasi baka hindi nyo magets kung anong kanta yun.
Or not. Ang haba nanaman ng
explanation ko, hayy). Kumakabog nanaman yung dibdib ko. Buti na lang at hindi ako makapasok sa
website ng
blogger sa
computer sa
IT1 lab namin.
"yes! sa bahay ko na gagawin to" yun na lang naisip ko.
At least, hindi ako mukhang kinakain ng sarili kong blog sa klase. Eh kapag nasa ganoong mga pangyayari pa naman ako tumtatawa ako nang malakas. Malay ko ba kung bakit. Tinatawanan ko ba yung problema para maging light o tinatawanan ko yung sarili ko kasi alam kong nakakatawa ako tingnan? Eh kung anuman yung dahilan diyan sa dalawang yan, nakahihiya pa rin kung tumawa ako nang malakas sa klase. Tapos mag-isa pa. Kaya ayun, laking tuwa ko nung sa bahay ko siya gagawin. Hahahaha!
Makalipas ang ilang oras ay umuwi na ko. Kinuha ko ang
laptop kong si
Quiwi(oo, may pangalan ang laptop ko. Bakit? Nakatutuwa kaya.
Quiwi) at nag
log in ako sa
blogger account ko. "Shet, ito na. This is it", kulang na lang mag
sign of the cross ako. At ayun na nga. Mga tatlong oras akong nagmuni muni at natuala. Malay ko ba kung pano magpersonalize ng background! Ayoko naman kasing magsettle dun sa simpleng
backgrouds na ino
offer ng
blogger.
Personalize nga eh. So ginawa ko ang tangi kaya kong gawin... Naglog out at natulog. Hahaha.
Nito lang ay nakasama ko yung isa kong kaibigan dahil nagpasama ako sa kanya sa
UHS para magpacheck up(sa ibang bolg entry na ito). Isa siya sa mga kaibigan kong nagulat na nag
IT1 ako. Buti na lang at kumukuha rin siya ng
IT1 ngayon. Tinanong ko sakanya kung paano i
edit ang
background ng
blog. At ayun. Na
edit ko na ang
background ko! Magbunyi!
Kahit na simpleng pag-
uupload lang ng litrato at pagpapalit ng
font style at
font color ang ginawa ko, proud pa rin ako sa sarili ko dahil napalitan ko na ang itsura ng aking blog. Marahil ay mababaw man para sa inyo ang rason ng pagkaproud ko sa aking sarili, malaking bagay na ito dahil nabigyan ko ng sariling kulay ang aking blog. Nagkaroon ito ng sariling
identity. Malaking bagay sakin ang pagkakaroon ng blog ko ng
identity nito dahil masasabi kong ito ay akin at akin lamang. Hindi ito sa kanya kundi ito ay akin. Di ba ang saya pakinggan? Akin. Hahahaha.
Selfish ko. Hahaha.
Alam kong malayo pa ako sa
level ng iba kong kakilala pagdating sa paggamit ng computers pero ang mahalaga ay natututo ako. Oo. Hindi man halata pero natututo ako. Hindi man ganoon kalaki at hindi man ganoon karami agad aking natututunan pero natututo ako. Masmaganda na ang pakonti-konting natututo kaysa sa wala talagang natututunan.