Sa totoo lang, hindi ako magaling at hindi ako masyadong maalam pagdating sa computers. Dati nga ay hindi ko alam kung paano magprint kaya lumalabas pa ako para magpaprint. At kung magpapaprint man ako ay dapat nasa USB para hindi na ako mag-i-in sa computer shop dahil hindi ko alam ang gagawin kapag natapos na ako sa gagawin ko. Ipipirint ko na lang ba basta? O lalapit ba si ate o si kuya para siya magprint? Hindi ko alam kung bakit pero lagi akong kinakabahan kapag may dapat akong itpye o print. Hindi naman ako kakainin ng computer sa harap ko... di ba?
Alam ng mga kaibigan ko na ganito ako pagdating sa computers. Madalas nga nila akong niloloko dahil dito. Ako naman, hinahayaan ko na lang at nakikitawa na rin dahil totoo nga naman at alam kong hindi nila ako gustong masaktan dahil sa mga panunukso nila. Kaya nga nagulat ang mga kaibigan ko nung kinuha ko ang IT1 ngayong semestre, Ano raw pumasok sa isip ko. Kaya ko bang buksan ang PC? Magawa ko kaya ang mga command na ipapagawa sakin ng instructor? Ang sabi ko naman sakanila, "Friends, required kami sa Nutri" at naintindihan naman nila.
Ito na. Unang pagkikita namin sa IT1. Nagpasama pa ako sa Com Sci kong kabarkada para hanapin ang room. Kumakabog ng sobra ang aking dibdib. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Buti na lang at may kakilala ako. Tumabi ako sa kanila at hinintay ang instructor. Nang pumasok ang aming instructor ay nagpakilala siya at tinawag ang mga prerog sa klase. Tinanggap nya naman ang lahat pero dapat magpresent sila ng kanilang talento sa harap ng buong klase. Nawala ang tensyong nararmdaman ko. Ang bait naman pala ni Sir, ang pumasok sa isip ko.
At ayun na nga. Nagsimula na ang klase. "Face your fears", ika nila. Eenjoyin ko na lang ang bawat meeting at activities. Sa tingin ko naman ay magsusurvive ako sa klaseng ito.. I hope.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento