Mga Iniisip ng Babaeng Mataas ang Kilay
Lunes, Mayo 18, 2015
Walang Pasok
Noong nakaraang linggo ay walang pasok dahil wala si Sir. Okay lang naman dahil nakaapagplano nang aming buong klase para sa video project namin. Maayos naman ang naging plano. Maganda kaya ang kalabasan ng project namin? Hahaha. Sana :)
Lunes, Abril 27, 2015
Flappy Bird Cha Style
Last meeting, pinagawa kami ni Sir ng sarili naming laro. Kinabahan ako. Hindi nga ako naglalaro ng mga laro sa computer o kaya sa cellphone(2048 at Buttons lang ang laro sa phone ko), gumawa pa kaya ng laro?
Sinubukan kong gawin. Bawat level sa Flappy Bird code, isang obstacle lang ata ang nalalampasan ko. HAHAHAHAHA natatawa ako sa sarili ko. :)) At sa dulo ng game, nakagawa akong sarili kong version ng Flappy Bird! Kung gusto nyong laruin, ito siya:
http://test.learn.code.org/c/14697

Martes, Abril 14, 2015
Introduction to Problem Solving
Stage 3 The Artist 2: http://studio.code.org/c/91660971
Lunes, Marso 30, 2015
BOOlean Algebra
Isa sa pinaka ayaw ko sa mundo ay ang Math. Hindi ko nga alam kung paano ako pumasa sa Trigo at Calculus ko nung high school ako eh. Kaya mahal na mahal ko yung mga prof ko nun kasi pinagtiyagaan nila ako para matuto. Hindi kasi ako sumusuko. Kailangang maintindihan ko yung mga tinuturo nila. Hahaha.
Alam naman nating lahat na hindi rin ako ganoon ka-alam pagdating sa IT1. Nung isang araw ko lang nalaman na ang CTRL+E ay center. I know.. I know.. Nakakatawa pero at least natututo ako. Hahaha.
EH TAPOS PPINAGSAMA ANG IT1 AT MATH. ANO BANG KASALANAN KO??? Hahaha. Intense ba nung bugso ng damdamin ko? Pero totoo. Nastress po ako. Nakakainis preo ano bang magagawa ko kundi ang pagaralan at intindihin ang mga bagay-bagay sa mundo.
Wish me luck, guys. Hayy..

Lunes, Pebrero 16, 2015
I Looooove My Background :D
Napansin niyo ba yung background ko? Ang ganda di ba? Hahahaha.
Ito ay ang Silang Mga Donselya kung saan mapapanood ang dalawang one-act play. Pagsubli ni Aizel Cabilan at Ang Godlfish ni Prof. Dimaandal ni Eljay Deldoc. Ang dalawang one-act play na ito ay ipinalabas sa Virgin Lab Fest na ginanap sa CCP at irerestage sa UPLB. Excited na akong mapanood ang dalawang plays na ito lalo na dahil ako ay grumaduate ng high school sa UP Rural High School kung saan kilalang terror na guro si Ma'am Dimaandal(opo, totoong tao si Prof. Dimaandal at sa totoong buhay nakahalaw ang play na Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal). Nakatatakot talaga si Ma'am Di pero sa loob lamang ng classroom yun.
At ayon nga sa litratong ito, ang Silang Mga Donselya ay ipalalabas sa Pebrero 26-28, 2015. 1PM, 4PM at 7PM sa Makiling Ballroom Hall.
Makikita ang aming ticket booth sa Humanities Building at bukas kami mula 9am hangang 4pm ng Lunes hanggang Biyernes. Alam nyo ba, ako yung kumuha ng litratong yan! Kinilig ako nung ginamit ng Tabsing Kolektib(ang organisasyong kinabibilangan ko) yung litratong yan para sa teaser. :) At alam nyo bang espesyal ang tickets namin para sa Silang Mga Donselya? :D

Click click erase erase click ooohhh...
Nung nakaraang meeting namin sa IT1, sinabi ni Sir na ipersonalize daw namin yung blog namin. At ito na naman ako. Cue in Symphony No. 5 by Beethoven(hinanap ko pa sa Google yung titulo nan kasi nakalimutan ko yung title. Ayoko namang dundundunduuuunnn yung ilagay ko kasi baka hindi nyo magets kung anong kanta yun. Or not. Ang haba nanaman ng explanation ko, hayy). Kumakabog nanaman yung dibdib ko. Buti na lang at hindi ako makapasok sa website ng blogger sa computer sa IT1 lab namin. "yes! sa bahay ko na gagawin to" yun na lang naisip ko. At least, hindi ako mukhang kinakain ng sarili kong blog sa klase. Eh kapag nasa ganoong mga pangyayari pa naman ako tumtatawa ako nang malakas. Malay ko ba kung bakit. Tinatawanan ko ba yung problema para maging light o tinatawanan ko yung sarili ko kasi alam kong nakakatawa ako tingnan? Eh kung anuman yung dahilan diyan sa dalawang yan, nakahihiya pa rin kung tumawa ako nang malakas sa klase. Tapos mag-isa pa. Kaya ayun, laking tuwa ko nung sa bahay ko siya gagawin. Hahahaha!
Makalipas ang ilang oras ay umuwi na ko. Kinuha ko ang laptop kong si Quiwi(oo, may pangalan ang laptop ko. Bakit? Nakatutuwa kaya. Quiwi) at naglog in ako sa blogger account ko. "Shet, ito na. This is it", kulang na lang magsign of the cross ako. At ayun na nga. Mga tatlong oras akong nagmuni muni at natuala. Malay ko ba kung pano magpersonalize ng background! Ayoko naman kasing magsettle dun sa simpleng backgrouds na inooffer ng blogger. Personalize nga eh. So ginawa ko ang tangi kaya kong gawin... Naglog out at natulog. Hahaha.
Nito lang ay nakasama ko yung isa kong kaibigan dahil nagpasama ako sa kanya sa UHS para magpacheck up(sa ibang bolg entry na ito). Isa siya sa mga kaibigan kong nagulat na nagIT1 ako. Buti na lang at kumukuha rin siya ng IT1 ngayon. Tinanong ko sakanya kung paano iedit ang background ng blog. At ayun. Naedit ko na ang background ko! Magbunyi!
Kahit na simpleng pag-uupload lang ng litrato at pagpapalit ng font style at font color ang ginawa ko, proud pa rin ako sa sarili ko dahil napalitan ko na ang itsura ng aking blog. Marahil ay mababaw man para sa inyo ang rason ng pagkaproud ko sa aking sarili, malaking bagay na ito dahil nabigyan ko ng sariling kulay ang aking blog. Nagkaroon ito ng sariling identity. Malaking bagay sakin ang pagkakaroon ng blog ko ng identity nito dahil masasabi kong ito ay akin at akin lamang. Hindi ito sa kanya kundi ito ay akin. Di ba ang saya pakinggan? Akin. Hahahaha. Selfish ko. Hahaha.
Alam kong malayo pa ako sa level ng iba kong kakilala pagdating sa paggamit ng computers pero ang mahalaga ay natututo ako. Oo. Hindi man halata pero natututo ako. Hindi man ganoon kalaki at hindi man ganoon karami agad aking natututunan pero natututo ako. Masmaganda na ang pakonti-konting natututo kaysa sa wala talagang natututunan.

Lunes, Pebrero 9, 2015
Umpisahan Natin Ang Lahat
Sa totoo lang, hindi ako magaling at hindi ako masyadong maalam pagdating sa computers. Dati nga ay hindi ko alam kung paano magprint kaya lumalabas pa ako para magpaprint. At kung magpapaprint man ako ay dapat nasa USB para hindi na ako mag-i-in sa computer shop dahil hindi ko alam ang gagawin kapag natapos na ako sa gagawin ko. Ipipirint ko na lang ba basta? O lalapit ba si ate o si kuya para siya magprint? Hindi ko alam kung bakit pero lagi akong kinakabahan kapag may dapat akong itpye o print. Hindi naman ako kakainin ng computer sa harap ko... di ba?
Alam ng mga kaibigan ko na ganito ako pagdating sa computers. Madalas nga nila akong niloloko dahil dito. Ako naman, hinahayaan ko na lang at nakikitawa na rin dahil totoo nga naman at alam kong hindi nila ako gustong masaktan dahil sa mga panunukso nila. Kaya nga nagulat ang mga kaibigan ko nung kinuha ko ang IT1 ngayong semestre, Ano raw pumasok sa isip ko. Kaya ko bang buksan ang PC? Magawa ko kaya ang mga command na ipapagawa sakin ng instructor? Ang sabi ko naman sakanila, "Friends, required kami sa Nutri" at naintindihan naman nila.
Ito na. Unang pagkikita namin sa IT1. Nagpasama pa ako sa Com Sci kong kabarkada para hanapin ang room. Kumakabog ng sobra ang aking dibdib. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Buti na lang at may kakilala ako. Tumabi ako sa kanila at hinintay ang instructor. Nang pumasok ang aming instructor ay nagpakilala siya at tinawag ang mga prerog sa klase. Tinanggap nya naman ang lahat pero dapat magpresent sila ng kanilang talento sa harap ng buong klase. Nawala ang tensyong nararmdaman ko. Ang bait naman pala ni Sir, ang pumasok sa isip ko.
At ayun na nga. Nagsimula na ang klase. "Face your fears", ika nila. Eenjoyin ko na lang ang bawat meeting at activities. Sa tingin ko naman ay magsusurvive ako sa klaseng ito.. I hope.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)